Mahigit 3,000 kaso naresolba na ng Korte Suprema ngayong taon

Kabuuang 3,197 na ang kasong nadesisyunan ng Korte Suprema mula Enero ngayong taon.

Ito ang inihayag ni Chief Justice Alexander Gesmundo sa kaniyang dayalogo sa mga miyembro ng media sa SC Meets The Press.

Ayon kay Gesmundo, kasama sa mahigit 3,000 ang minute resolutions na inilabas ng Supreme Court.

Pero tataas pa aniya ang nasabing bilang sa oras na lumabas ang final statistics ng disposition rate ng SC.

Pero tiniyak ni Gesmundo na mas mabilis ang resolusyon ng mga kaso ng SC ngayong taon kumpara sa mga nakaraang taon.

Ilalabas aniya ng SC ang pinal na case disposition rate o dami ng kaso na kanilang naresolba sa kanilang accomplishment report sa taong ito.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *