Mahigit 3,000 mga kumpanyang sangkot sa Illegal contractualization isinumite na ng DOLE kay Pangulong Duterte

Isunumite na ng DOLE kay Pangulong Duterte  ang paunang listahan ng mga kumpanya na sinasabing sangkot sa labor-only contracting.

Inihayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III, kabuuang 3,377 na mga kumpanya ang kasama sa listahan.

Batay anya ito sa pag-aaral at pag-iinspeksyon na ginawa ng DOLE sa halos 100 -libong kumpanya mula June 2016 hanggang April 2018.

Samantala, inilabas ng DOLE ang listahan ng 20 nangungunang kumpanya na hinihinalang sangkot sa illegal contractualization.

Ang mga ito ang mga sumusunod:

1. Jollibee Foods Corporation
2. Dole Philippines Inc  sa South Cotabato
3. Philippine Long Distance Telephone Company
4. Philsaga Mining Corporation  sa Agusan Del Sur
5. General Tuna Corporation  sa General Santos City
6. Sumi Philippines Wiring Systems Corporation  sa Bataan
7. Franklin Baker Inc. sa Davao del Sur
8. Pilipinas Kyohritsu Inc sa Lipa City Batangas
9. Furukawa Automotive Systems Phil. Inc. sa Batangas
10. Magnolia Inc
11. KCC Property Holdings Inc. sa Lagao, General Santos City
12. Sumifru Philippines Corp. sa South Cotabato
13. Hinatuan Mining Corporation sa Surigao del Norte
14. KCC Mall De Zamboanga
15. Brother Industries Inc sa Tanauan, Batangas
16. Philippine Airlines at PAL Express
17. Nidec Precision Philippines Corporation sa Biñan, Laguna
18. Peter Paul Phil. Corporations sa Sorsogon City
19. Dolefil Upper Valley Operations sa South Cotabato
20. at DOLE-Stanfilco sa South Cotabato

Pinadalhan na ng DOLE compliance order ang mga nasabing kumpanya para gawing regular sa trabaho ang kanilang mga empleyado.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *