Mahigit 3,000 pasahero, stranded dahil sa bagyong Dante
Umaabot na sa mahigit 3,000 pasahero ang stranded sa iba’t ibang pantalan sa bansa dahil sa bagyong Dante.
Sa monitoring ng Philippine Coastguard, nasa 3,360 pasahero, 1,078 rolling cargoes, 71 vessels, at 3 motorbanca ang stranded ngayon sa mga pantalan sa Eastern at Central Visayas, Southern Tagalog, Northeastern Mindanao at Bicol.
Nasa 85 vessels at 74 motorbancas naman ang naka shelter bilang pag- iingat dahil sa sama ng panahon.
Tiniyak naman ng PCG ang kanilang 24/7 monitoring para masigurong mabilis na makatutugon sakaling may emergency o mangailangan ng kanilang tulong.
Madz Moratillo
Please follow and like us: