Mahigit 300,000 pamilyang Pilipino, graduate na sa 4Ps – DSWD
Kabuuang 339,650 na pamilyang Pilipino na benipisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps ng pamahalaan ang inilipat na sa level 3 o kategoryang self sufficient ng Department of Social Welfare and Development o DSWD.
Sa panayam ng programang Ano Sa Palagay Nyo, sinabi ni DSWD ASEC. Rommel Lopez na awtomatikong inirerekomenda ang mga nasa level 3 para sa graduation o exit mula sa programa.
Samantala, 4,242 Household naman ang mananatili sa listahan ng mga benepisyaryo ng 4Ps dahil sila ay na-aassess bilang ‘Poor’.
Habang nasa 756,898 na pamilya aniya ang nasa Survival level at mananatili bilang benepisyaryo ng programa.
Unang nagsagawa ng re-assessment at revalidation ang DSWD at lumabas na nasa 1.1 milyong benepisyaryo ang nasuri na non-poor sa ilalim ng listahan ng National Household Targeting System for Poverty Reduction.
Ngunit inalmahan ito ng mga benepisyaryo maging ng mga Mambabatas.
Weng Deimoy