Mahigit 31 milyong Filipino, tinatayang apektado ng Super Typhoon Rolly; 96,653 pamilya, inilikas na – NDRRMC
Tinatayang aabot sa 19.8 hanggang 31.9 milyong Filipino ang apektado ng Super Typhoon Rolly na may international name na Goni.
Sa projection ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) , sinabi ni Undersecretary Ricardo Jalad na nasa 12 rehiyon ang expose sa matinding bagyo katumbas ng nasa 60 kilometer radius na sakop ng bagyo.
Nasa kabuuang 96, 653 pamilya o nasa 346,993 indibidwal ang inilikas mula sa iba’t-ibang rehiyon.
Sinabi ni Jalad sa press briefing ng NDRRMC, mula sa bilang ng mga apektadong pamilya, 1.3 million ang mula sa mga mahihirap na barangay.\
Kabilang sa mga apektadong rehiyon ay ang Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, Southern Tagalog, Bicol, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, CAR, at Metro Manila.