Mahigit 40 milyong bata sa buong Pilipinas, target ng DOH na mapurga
Dalawang beses kada taon isinasagawa ang deworming o ang pagpupurga sa mga mag aaral sa elementary sa pampubliko at pribadong paaralan.
Sinabi ni Health Secretary Paulyn Ubial na tinatarget nilang makapagpurga ng mahigit sa labing pitong milyong bata na ang edad ay lima hanggang labing walong taon na nasa pampublikong paaralan at mahigit naman sa sampung milyon na nasa pribadong paaralan.
Ang deworming program ng DOH na ginagawa dalawang beses sa isang taon ay naglalayong malunasan ang problema sa Soil-Transmitted Helminth o STH infections.
Ayon sa mga eksperto, ang STH infections ay maaaring maging sanhi ng anemia, malnutrition, panghihina ng katawan, gayundin mabagal na paglaki sa panig ng mga bata.
Ulat ni: Anabelle Surara