Mahigit 40 na biktima ng human trafficking nailigtas sa Zamboanga
Matagumpay na nasagip ng mga tauhan ng Philippine Coastguard South Western Mindanao district ang mahigit 40 katao na ipupuslit sana para gawing alipin sa bansang Malaysia.
Ayon kay LT Commander Vingno Station Commander ng Coastguard Zamboanga na habang nagsagawa sila ng boarding inspection pasado alas 10 kagabi nadiskubre nila na walang dokumento ang dalawamping lalaki, na kalaunay tutungo pala sa malaysia para daw magtrabaho.
Kabilang ang mga hindi pa pinangalanang biktima ng human trafficking sa halos isan daang pasahero ng M/L Moneza papunta sana sa Tawi-tawi, na menamaneho ng isang Mirphy Kailani.
Kung mapatunayang may kinalaman si Kailani sa pagtransport ng mga taong biktima ng sindikato papunta sa bansang Malaysia mahahaharap ito sa paglabag sa Republic Act Number 9208 and 10364, otherwise known as Expanded Trafficking in Person.
Agad na dinala sa tanggapan ng DSWD regional office-9 ang mga nasagip na kalalakihan na nanggaling pa sa mga bayan ng Luzon Visayas at Mindanao.
Matapos ang profiling nito, gagastusan sila ng gobyerno para makabalik sa kanilang lugar, kaya lang karamihan sa kanila ay nangutang pa ng malaking pera para lamang maibigay sa kanilang recruiter bago ang biyahe papunta sa Malaysia kahit walang kasiguruhan ang trabaho doon.
Nanawagan si Vingno sa mga gustong magtrabaho sa labas ng bansa o kaya sa Malaysia, na dumaan sa tamang proseso sa pagkuha ng papeles para hindi mabiktima sa mga mapagsamantalang kapuwa Filipino.
Ulat ni Ely Dumaboc