Mahigit 400 empleyado ng NFA, mawawalan ng trabaho sa pagsasabatas ng Rice Tarrification Bill
Aabot sa mahigit 400 empleyado ng National Food Authority (NFA) ang maapektuhan sakaling maging batas na ang Rice Tarrification bill.
Sa budget hearing sa Senado, sinabi ni NFA Officer-in-Charge Tomas Escarez na ang mga empleyado ay posibleng maapektuhan ng retrenchment sa regulatory function.
Kapag naipasa kasi ang batas, matatanggal na ang regulatory function.
Sakop nito ang mga mangagawa na nakatalaga sa pag-iisyu ng permit sa mga rice traders, warehousing, transportationa at ahensyang nakatalaga sa pag-iimport ng bigas.
Kinumpirman ni Senador Cynthia Villar, chairman ng Senate Committee on Agriculture na sa kanilang ipinasang batas, wala namang probisyon para sa tuluyang aboliton ng NFA.
Gayunman, mallilimitahan ang kanilang papel sa buffer stock buying mula sa mga local farmers.
Pasado na sa Bicameral conference committee ang panukala at ipadadala na sa malacañang para malagdaan ng Pangulo.
Ulat ni Meanne Corvera