Mahigit 4000 manggagawa ng Dole Philippines, Inc. gagawin ng regular sa trabaho
Lumagda na sa Memorandum of Agreement ang kumpanyang Dole Philippines,Incorporated para gawing regular sa trabaho ang mahigit 4700 manggagawa nito.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, kabuuang 4,765 na manggagawa ng fruit manufacturing company sa Mindanao ang mareregular ng hindi bababa sa isang taon mula sa pagpirma sa kasunduan.
Mula sa nasabing bilang, 4,173 sa mga ito ay manggagawa sa Polomolok cannery at 592 sa Upper Valley operations ng kumpanya.
Pinuri naman ng kalihim ang kumpanya sa hakbang nito para ma-direct hire ang mga manggagawa nito.
Una rito nagregular na rin ang Dole Philippines ng 1,962 manggagawa bilang pagtugon sa compliance order ng DOLE.
Ulat ni Moira Encina