Mahigit 40,000 pasahero dumagsa sa iba’t-ibang pantalan sa buong bansa para samantalahin ang long weekend
Umabot na sa mahigit 42,000 pasahero ang dumagsa sa mga pantalan sa bansa mula alas-6:00 kagabi hanggang kaninang hatinggabi.
Ito ay batay sa ginagawang monitoring ng Philippine Coastguard sa ilalim ng kanilang programang Oplan Biyaheng Ayos Undas 2019.
Pinakamaraming naitalang pasahero sa mga pantalan sa Central Visayas na nasa 12,930.
Sinundan naman ito ng Western Visayas na umabot sa 7,016 pasahero; Southern Tagalog na may 6,873 pasahero; Northern Mindanao – 4,967; Eastern Visayas – 3,447; Southern Visayas – 3,366; Southeastern Mindanao – 2,532; Bicol – 810; NCR Central Luzon – 497 at Palawan – 223.
Patuloy naman ang paalala ng PCG sa mga pasahero na agahan ang pagtungo sa mga pantalan para iwas-abala lalo na at mahigpit din ang ginagawa nilang inspeksyon sa mga gamit upang masiguro ang kaligtasan ng mga mananakay.
Ulat ni Madz Moratillo