Mahigit 40,000 piraso ng marijuana plants, nasabat ng NBI sa Benguet
Aabot sa 40,500 piraso ng marijuana plants ang nakumpiska ng NBI- Cordillera Regional Office at PDEA-CAR sa Kibungan, Benguet.
Ayon sa NBI, tinatayang nagkakahalaga ng P8.1 milyon ang mga marijuana na itinanim sa 15 plantation sites na may lawak na 8,100 metro kwadrado.
Ikinasa ng NBI at PDEA ang operasyon matapos na makatanggap ng ulat mula sa informant ukol sa marijuana plantation.
Wala namang nadakip ang mga otoridad na marijuana growers at cultivators nang salakayin ang plantasyon noong Enero 10.
Matapos ang dokumentasyon sa mga nasabat na marijuana ay sinira rin ito onsite ng mga awtoridad.
Moira Encina
Please follow and like us: