Mahigit 400k na pangalan, inalis ng Comelec sa voter’s list
Umabot na sa 415,433 pangalan ang tinanggal ng Commission on Elections sa voter’s list.
Ito ay sa nagpapatuloy na pagdinig ng Special Election Registration Board na layong malinis ang listahan ng mga botante.
Ayon sa Comelec, ang 265,065 rito ay nakitaan ng dalawa o higit pang registration sa kanilang Fingerprint Identification System.
May 144,330 naman ang lumipat na sa ibang lungsod o munisipalidad.
May 241 naman ang bigong makaboto sa dalawang magkasunod na halalan.
Ang 2,079 naman ay patay pa batay na rin sa kumpirmasyon ng Local Civil Registrars pero hindi lang natanggal sa voter’s list.
Mayroon namang 3,718 ang nakitaan ng double o multiple records sa city o municipal level.
Ayon sa Comelec kung may makita pa silang may doble o multiple records at nasa National List of Registered Voters parin magsasagawa sila ulit ng Special Election Registration Board hearing sa July 27.
Madelyn Moratillo