Mahigit 472,000 overseas voters, tapos nang bumoto
Nakaboto na para sa 2022 National at Local Elections, ang higit 472,000 overseas voters.
Batay sa datos ng Commission on Elections (Comelec) hanggang ngayong Sabado, Mayo 7, kabuuang 472,559 overseas voters ang nakaboto na.
Sa nasabing bilang, 170,752 rito ay ang naitala mula sa Asia Pacific Region; 48,084 mula sa European Region; 181,399 mula sa Middle East at African Region; at 72,323 naman ang naitala mula sa North at Latin American Region.
Ayon sa Comelec, ang naturang datos ay 27.84 porsyento ng kabuuang 1,697,215 na registered overseas voters.
Ang overseas voting ay nagsimula noong Abril 10 at tatagal ito hanggang sa mismong araw ng halalan sa Mayo 9, 2022.