Mahigit 478,000 doses ng Astrazeneca anti Covid-19, darating na sa bansa bukas
Kinumpirma ni Senate Committee on Health Chairman Senator Christopher Bong Go na darating na sa bansa ang 487,200 doses ng bakuna kontra COVID-19 mula sa AstraZeneca.
Sinabi ni Go na base sa sulat ng UNICEF, tuloy na ang pagdating ng bakuna bukas ng alas-7:30 ng gabi.
Ayon kay Go, sasalubungin nila ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga bakuna sa Villamor Airbase.
Ito aniya ay bilang pagpapakita sa taumbayan na mismong ang Pangulo ay naniniwalang tanging bakuna lang ang paraan para makabalik sa normal ang buhay ng mga Filipino.
Una rito hindi natuloy ang pagdating ng mga bakuna mula sa AstraZeneca noong Lunes dahil nagkarpoblema umano sa logistics.
Meanne Corvera