Mahigit 5 milyong doses ng Sinovac at Pfizer vaccines, dumating sa bansa
Dumating sa bansa alas-6:00 kagabi ang 3 milyong doses ng Sinovac vaccines na binili ng pamahalaan.
Lumapag ang mga bakuna sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2 lulan ng Philippine Airlines flight PR359.
Samantala, 11:30 naman kagabi rin ay dumating din sa NAIA Terminal 3 ang nasa 2,020,590 doses ng Pfizer-BioNTech vaccines lulan ng Emirates Flight EK2520.
Ang mga dumating na bakuna ay sinalubong ni National Task Force Against Covid-19 chief implementer and vaccine czar Carlito Galvez Jr., habang ang Pfizer delivery ay sinalubong naman nina US Embassy Chargé d’Affaires ad interim Heather Variava, US Embassy Acting Mission Director Sean Callahan, World Health Organization country representative Dr. Rabindra Abeyasinghe and Dr. Malalay Ahmadzai, chief of Health and Nutrition at UNICEF Philippines.
Ayon kay Galvez, ang mga dumating na Sinovac vacccines ay ipamamahagi sa Regions 3,4-A, 7, 11 at sa National Capital Region.
Batay sa datos ng NTF, nasa kabuuang 36 milyong Sinovac vaccines na ang natanggap ng Pilipinas at higit 34 million rito ay binili ng pamahalaan.
Nasa 46 million doses naman ng kabuuang 62.35 million vaccines na dumating sa bansa ang binili ng pamahalaan habang ang iba ay donasyon ng China, US, United Arab Emirates at ng COVAX Facility.
Nauna nang ssinabi ng NTF na nas ahigit 18 milyong indibidwal na sa bansa ang fully vaccinated na kontra Covid-19.