Mahigit 5 milyong pisong halaga ng shabu na i-e-export sana, nasabat ng BOC at PDEA
Aabot sa mahigit 5 milyong pisong halaga ng shabu na i-e-export sana ang nasabat ng pinagsanib na puwersa ng Bureau of Customs (BOC) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Ayon sa BOC, ang 3 pakete ng shabu ay itinago sa bahay ng ibon, shuttlecock casing, at figure trimmer twister.
Pero nang isalang sa X-ray scanning at physical examination ng BOC, dito nakita ang mga pakete ng shabu na tumitimbang ng 763 grams.
Matapos namang isalang sa Chemical Laboratory Analysis ng PDEA, nakumpirmang shabu nga ito.
Ang iligal na droga, ipapadala sana umano sa Bahrain, United Kingdom at Australia.
Agad namang itinurn over sa PDEA ang mga nasabat na shabu.
Mga kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Customs Modernization and Tariff Act ang maaaring kaharapin ng responsable.
Madz Moratillo