Mahigit 50 Medical frontliners mula Visayas, nagboluntaryong tumulong sa mga Public Hospital sa mga lugar na may mataas na kaso ng Covid-19
Parating na sa Metro Manila ang mahigit 50 Medical frontliners mula sa Visayas na tutulong sa mga Pampublikong ospital.
Sinabi ni Senador Bong Go na kinabibilangan ito ng mga Medtech, Nurse at mga Doktor na nagboluntaryong tumulong sa harap ng tumataas na kaso ng may Covid-19 sa mga ospital.
Sila aniya ang magsisilbing augmentation force dahil marami na rin sa mga Medical frontliners ang naka-isolate dahil sa epekto ng virus.
Umapila naman ang Senador sa mga Medical frontliners sa Mindanao na tumulong rin sa Metro Manila.
May sapat naman aniyang suweldo, allowances at iba pang benepisyo na ibibigay sa kanila kapalit ng kanilang serbisyo
Meanne Corvera