Mahigit 50% ng mga tauhan ng Bureau of Immigration, nabakunahan na kontra Covid-19
Mahigit 50% porsyento na ng mga tauhan ng Bureau of Immigration ang nabakunahan na kontra Covid-19.
Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, ang 1,875 empleyado ang nakatanggap na ng Covid -19 vaccine.
Pero isinusulong aniya nila na 100 porsyento ng kanilang mga tauhan ay mabakunahan lalo na at nasa frontline service sila.
Ayon kay BI Deputy Commissioner Aldwin Alegre, hepe ng Task Force Against Covid-19 ng BI, nagsasagawa rin sila ng vaccination drives hindi lang sa National Capital Region kundi maging sa kanilang provincial offices sa tulong na rin ng mga lokal na pamahalaan.
Sa datos ng BI, mula ng magsimula ang Pandemya, may mahigit 500 BI employees ang tinamaan ng Covid 19.
Ang 200 umano rito, nakatalaga sa mga, habang ang 197 ay sa main office ng BI.
Ayon kay Morente, mayorya naman sa kanilang mga tauhan na tinamaan ng virus ay nakarekober sa virus, pero may 4 na nasawi.
Madz Moratillo