Mahigit 50 vaccination site itinalaga ng lokal na pamahalaan ng Maynila

Bilang bahagi ng nagpapatuloy na malawakang bakunahan, mahigit 50 vaccination site ang itinalaga ng lokal na pamahalaan ng Maynila.

Kabilang na rito ang 44 na health centers, 4 na malls at 6 na community sites.

Nagpapatuloy parin ang bakunahan para sa 5 hanggang 17 anyos sa Manila Zoo at Bagong Ospital ng Maynila.

Pero sa Manila Zoo ay bawal ang walk in at kailangang magparehistro muna sa www.manilazoo.ph.

Tuloy parin ang 24/7 drive thru vaccination para sa 4 wheels na sasakyan sa Quirino Grandstand at maging drive thru vaccination para naman sa 2 wheels sa Kartilya ng Katipunan.

Sa datos ng Manila LGU, umabot na sa mahigit 1.6 milyon ang fully vaccinated sa lungsod habang 1.7 milyon naman ang nabigyan ng 1st dose ng bakuna.

May 440 libo naman ang nabigyan na ng booster shot.

May mahigit 128 libo naman ang fully vaccinated na kabataang nasa edad 12 hanggang 17 anyos.

Habang 9, 459 naman batang nasa edad 5 to 11 yrs old ang nabakunahan sa lungsod.

Madz Moratillo

Please follow and like us: