Mahigit 500 libong depektibong balota sinimulan ng sirain sa NPO
Sinimulan na ng Commission on Elections ang pagsira sa mahigit 500 libong depektibong balota na gagamitin para sa May 9 National and Local Elections.
Ang 586,988 depektibong balota ipinapasok sa isang makina kung saan hinahati ito sa tatlo.
Kasama rin sa sinisira ay ang 346,323 roadshow ballots ng Comelec na ginagamit naman sa kanilang voter education campaign.
Sa kabuuan, nasa 933,311 depektibong balota ang sinira sa National Printing Office.
Ilan sa mga nakitang depekto sa balota kaya hindi ito nakapasa sa quality control ay dahil sa smudge, mali ang cut at problema sa markings.
Ayon kay Atty John Rex Laudiangco, tagapagsalita ng Comelec, posibleng abutin ng 3 araw ang pagsira sa mga depektibong balota.8 oras kada araw lang kasi ang operasyon para sa pagsira rito.
Ayon naman kay Comelec Commission George Garcia, ang mga depektibong balota na ito ay patunay lang na mahigpit sila sa pagsala sa mga iniimprentang balota kaya naman makakaasa ang publiko sa tapat at malinis na halalan sa Lunes.
Samantala, muli namang nag-imprenta ng balota sa NPO para sa Conner, Apayao.
283 balota ang inihabol sa printing na agad di daw idedeliver mamayang gabi para makasigurong aabot sa halalan sa Lunes.
Ang reprinting ay matapos madiskubre na may butas sa gitna ng balota bunsod ng nangyaring mishandling sa delivery.
Madelyn Villar -Moratillo