Mahigit 500 PUJ sa Metro Manila, papayagan nang muling makabiyahe simula Oct. 30
Karagdagang 500 traditional jeepney ang pinayagan nang makabiyahe sa mga lansangan sa Metro Manila simula October 30.
Ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), bibiyahe ang mga karagdagang jeepney batay sa Memorandum Circular no. 2020-064.
Kabilang sa apat na bubuksang ruta ay ang:
1. T266 Parang – Recto
2. T267 Parang – Stop & Shop via Aurora Blvd.
3. T268 Recto – SSS Village via Aurora Blvd., Espana Blvd.
4. T3171 Libertad – Pinagbarilan
Ayon pa sa LTFRB, ang mga PUVs na may eksistidong Certificate of Public convenience o application for extension of validity ay papayagan ring makabiyahe.
Kailangan din mayrron silang Personal Passenger Insurance policy.
Bawat operator ay bibigyan ng QR code na ipapaskil sa mga sasakyan.
Mahigpit pa ring paalala ng LTFRB Na kailangang sumunod ang lahat ng mga driver at pasahero sa mga ipinatutupad na health at safety protocol sa loob ng pampublikong sasakyan upang maiwasan ang virus transmission.