Mahigit 500K indibidwal, nabigyan ng COVID-19 vaccine booster shot sa bansa
Umabot na sa 561,125 indibidwal sa bansa ang nabigyan na ng booster shot ng COVID-19 vaccine.
Sa datus ng National COVID-19 Vaccination Dashboard, malaking bilang ng mga nabigyan ng booster shot ay sa National Capital Region na umabot sa 259,504.
Samantala, ang ibang naturukan na ng booster dose ay naitala sa Regions 1, 3, 4-A, 6, 7, 10 at 11.
Pinakamarami sa mga nabigyan ng booster ay sa hanay ng A1 priority group o healthcare workers na umabot 237,177.
Sinundan ng A2 o senior citizens na umabot sa 168,884.
Kabilang pa sa nabigyan na rin ng booster dose ay ang mga kasama sa priority groups na A3 o may comorbidity at A4 o mga frontliner sa essential sector.
Madz Moratillo