Mahigit 5K na magsasaka sa Bohol, nabigyan ng tulong ng DA at ni Senador Bong Go
Bilang pagkilala sa kanilang mahalagang papel, namahagi ng tulong ang tanggapan ni Sen. Bong Go katuwang ang Department of Agriculture para sa mahigit 5,000 magsasaka sa Carmen, Bohol.
Bukod sa mga pagkain at face masks, namahagi rin ang Senador ng computer tablets, mga sapatos at bisikleta sa ilang piling indibiduwal upang magamit sa pagbiyahe ngayong limitado pa rin ang pampubikong transportasyon dahil sa pandemya.
Ang DA ay namahagi naman ng suporta sa mga magsasaka sa ilalim ng kanilang Rice Farmer Financial Assistance program habang ang Department of Trade and Industry at Technical Education and Skills Development Authority ay nag-assess ng potential recipients ng kani-kanilang mga programa.
Hinikayat naman ni Go ang mga hindi pa bakunadong magsasaka na magpabakuna na kontra COVId-19 para na rin sa kanilang proteksyon at sa mga bakunado na ay magpa- booster.
Pinaalalahanan din niya ang mga ito sa pagsunod sa health protocols upang mapigilan pa ang pagkalat ng virus.
Para naman aniya sa mga may karamdaman, maaari silang bumisita sa Don Emilio del Valle Memorial Hospital sa Ubay o sa Governor Celestino Gallares Memorial Hospital sa Tagbilaran City kung saan may Malasakit Centers na magbibigay sa kanilang ng madaling access para ma-avail ang medical assistance program ng pamahalaan.
Madelyn Moratillo