Mahigit 60 health facilities sa Bicol nasira ng bagyong rolly
May 67 health facilities ang naapektuhan ng pananalasa ng bagyong rolly.
Ayon kay Health Usec Ma. Rosario Vergeire, batay sa report ng kanilang Center for Health Development ang mayorya sa mga napinsalang health facilities ay nasa Bicol Region.
Sa 67 health facilities na napinsala ng bagyo, 6 rito ay DOH hospital at treatment and rehabilitation center, 3 ay LGU hospitals, 15 ay rural health units at ang 39 ay barangay health station sa region 5.
May 2 rural health units at 2 barangay health station rin sa Region 4A o Calabarzon ang naapektuhan.
Sinabi pa ni Vergeire na mayroon ring 30 temporary treatment and monitoring facilities sa Region 5 ang nasira.
Ang 8 rito ay sa Albay, 17 sa Camarines Sur at 5 naman sa Camarines Norte.
Tiniyak naman ni Vergeire ang tuloy tuloy na tulong ng DOH sa mga apektadong lugar lalo na ang pagpapadala ng medical supplies at iba pang kailangan.
Sa ngayon ay patuloy rin aniya ang kanilang assessment sa mga naapektuhang health facilities para agad maiayos ang health system sa mga apektadong lugar.
Madz Moratillo