Mahigit 600 bagong kaso ng mga variant ng Covid-19, naitala sa bansa
May 633 pang karagdagang bagong kaso ng variant of concern ang naitala sa bansa.
Ayon kay Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire, sa bilang na ito 339 ang Delta variant, 186 ang Beta, 98 ang Alpha at 1 ang Gamma.
May 9 na P.3 rin na natukoy mula sa mga sinuring sample.
Bagamat wala na sa listahan ng variant of interest ang P.3 na unang natukoy sa Pilipinas, patuloy pa rin itong minomonitor ng Department of Health para makita kung nagkaroon ito ng pagbabago.
Ayon kay Vergeire, sa 633 bagong kaso na ito, 609 ang local cases, 17 ang Returning Overseas Filipino habang bineberipika naman ang 7.
Sa bilang na ito, 5 na lang ang aktibong kaso, ang 616 ay nakarekober na, namatay ang 10, habang bineberipika naman ang kasalukuyang sitwasyon ng 2.
Sa datos ng DOH, sa kabuuan, may 3,366 kaso ng Delta variant na sa bansa.
2,559 ang Alpha variant, 2,920 ang Beta variant,3 Gamma variant at 461 naman ang P.3.
Madz Moratillo