Mahigit 600 bagong kaso ng Omicron subvariants natukoy ng DOH
May 671 bagong kaso ng Omicron subvariants ang natukoy sa bansa.
Sa COVID-19 biosurveillance report ng DOH, 468 rito ay BA.2.3.20; 149 ang XBB; siyam ang XBC; walo ang BA.5; apat ang BN.1; at 33 ang iba pang omicron sublineages.
kabilang sa mga bagong kaso ng XBB ang tatlong kaso ng XBB.1.5 habang kasama naman sa BA.5 cases ang anim na kaso ng BQ.1.
Sa karagdagang BA.2.3.20 cases, 460 ang local cases, 1 ang returning overseas Filipino habang ang beneberipika ang iba pa.
Sa mga karagdagang XBB cases naman, 146 ay local cases, may 3 rito ang XBB.1.5 cases beneberipika naman ang tatlo.
Ayon sa DOH, ang lahat ng karagdagang XBC cases ay pawang local cases.
Samantala, sa mga bagong kaso ng BA.5, pito ang local cases habang beneberipika naman ang iba pa.
Ang mga bagong kaso naman ng BA.2.75 cases ay pawang ROFs at ang natitira pang kaso ay local cases.
Madelyn Villar-Moratillo