Mahigit 7 milyong pisong halaga ng shabu, nasabat sa Clark, Pampanga
Aabot sa 7.4 milyong pisong halaga ng shabu ang nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs katuwang ng iba pang ahensya ng pamahalaan sa Clark, Pampanga.
Ayon sa BOC, nakatanggap sila ng impormasyon ang patungkol sa nasabing shipment.
Matapos dumaan sa x-ray machine, nagduda ang BOC personnel kaya agad itong isinailalim sa physical examination.
Ang shipment ay idineklara bilang Flask mula sa Lilongwe, Malawi.
Pero matapos ang physical examination rito, nakita ang 5 pakete ng shabu na nasa mahigit 1 kilo ang timbang at nakatago sa 2 unit ng Electric Air Pot Flask.
Agad namang nag isyu ng Warrant of Seizure and Detention laban sa nasabing shipment dahil sa paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at R.A. 10863 o Customs Modernization and Tariff Act.
Ayon sa BOC, itinurn over na rin nila sa Philippine Drug Enforcement Agency ang mga iligal na droga.
Madz Moratillo