Mahigit 70 OFWs sa Hong Kong nagpositibo sa COVID-19
Umabot na sa 76 Overseas Filipino Workers sa Hong Kong ang tinamaan ng Covid 19.
Ang Hong Kong ay nakakaranas ngayon ng 5th wave ng covid 19 dahil sa Omicron variant.
Ayon kay Overseas Workers Welfare Administrator Hans Leo Cacdac, 8 sa mga ito ang naka admit sa ospital habang ang iba ay nasa isolation facility.
Ang iba naman, naka isolate sa bahay ng kanilang employers.
Aminado naman si Cacdac na may ilang OFW na tinamaan ng virus ang tinanggal sa trabaho ng employer.
Pero nakumbinsi naman aniya ang mga nasabing employer na tanggapin ulit ang manggagawang OFW.
Maliban sa isa na ayaw, na kanila na aniyang idudulog sa Hong Kong authority.
Ayon kay Cacdac, 85% na ng mga OFW sa Hong Kong ang bakunado na kontra COVID 19.
Madz Moratillo