Mahigit 700 empleyado ng isang hamburger chain magiging regular na -DOLE
Kabuuang 704 na empleyado ng isang Hamburger chain sa bansa ang mare-regular na sa kanilang trabaho.
Ito ay makaraang ipag-utos ng Department of Labor and Employment o DOLE sa Burger King o Perf Restaurants Incorporated na gawing regular ang mga manggagawa nito sa kanilang 44 na branches sa Metro Manila.
Batay sa isinagawang joint assessment ng Labor laws compliance officers ng DOLE, nabatid na ang nasabing fastfood chain at ang lima nitong kontraktor ay nasumpungan sa labor-only contracting activities.
Ayon pa sa DOLE, hindi rin nakasunod sa Occupational Safety and Health Standards ang establisimyento at mga kontraktor dahil sa kawalan ng trained safety personnel at certified first aider.
Kaugnay nito, inatasan din ng DOLE ang burger chain at ang mga kontraktor nito na agad mag-isyu ng appointment letter at payroll sa mga apektadong kawani bilang mga regular employees.
Ulat ni Moira Encina