Mahigit 700 katao napagkalooban ng ayuda sa Payatas ,Quezon city
Mahigit pitong daang katao ang nabigyan ng ayuda ng mga nagpakilalang taga suporta ni Davao city Mayor Sarah Duterte sa lupang pangako sa Payatas, Quezon city kanina.
Kabilang sa nabigyan ng ayuda si Aling Emelia Ligores.
Malaking tulong raw ito lalo na sa kanyang may siyam na miyembro ng pamilya.
Karamihan daw kasi sa pamilyang nakatira sa payatas, umaasa lang sa pagkakalakal ng basura.
Ayon sa grupong isip pilipinas, ginawa nila ito bilang pagtugon sa panawagan ni sarah duterte na tulungan muna ang mga hinagupit ng COVID- 19.
Ito raw ay kanilang sariling inisyatibo at pagtugon sa mga panawagang bayanihan sa panahon ng pandemya
Ang payatas raw ang napili nilang lugar dahil ito ang sumisimbolo ng matinding kahirapan sa Metro manila.
Pagtiyak ng grupo sumunod sila sa mga health at safety protocol sa pamamahagi ng ayuda para maiwasan ang pagkalat ng COVID 19.
Katunayan maaga silang namahagi ng mga stub sa mga residente, at tiniyak na may suot na facemask at faceshield at may distansya ang bawat nakapila.
Hindi lang daw sa payatas ang target nilang mabigyan ng tulong kundi ang iba pang lugar sa bansa na maraming nawalan ng kabuhayan dahil sa pandemya.
Meanne Corvera