Mahigit 700 pamilya sa Sta Rosa City, Laguna dinala sa mga evacuation centers
Hindi bababa sa 700 pamilya sa Santa Rosa City, Laguna ang inilikas sa ibat-ibang evacuation centers sa lungsod bago mag-tanghali ng Huwebes bunsod ng banta ng pagbaha dahil sa bagyong Ulysses.
Sa pinakahuling datos ng lokal na pamahalaan, kabuuang 721 pamilya o 2,991 indibidwal ang pansamantalang nanunuluyan sa mga evacuation centers sa Santa Rosa.
Karamihan sa mga pamilya ay naninirahan sa mga flood- prone at low-lying areas
Kabilang sa mga pinagdalhan sa mga evacuees ay sa Aplaya Elementary School, Aplaya National High School, Balibago Evacuation Center, Caingin Barangay Hall, Caingin Elementary School, NHS, Malitlit Elementary School,Adventist Church, Dita Elementary School, Roseville Evacuation Center, Ibaba Evacuation Center, Macabling Evacuation Center, Sinalhan Senior High School, at Market Area Barangay Hall.
Moira Encina