Mahigit 74,000 na Manileño nais makatanggap ng COVID-19 vaccine
Umabot na sa 74, 233 residente ng Maynila ang nagpahayag ng kahandaan na tumanggap ng COVID-19 vaccine sa oras na dumating na ito sa bansa.
Ang mga nais na magparehistro ay maaaring magtungo sa website na www.manilacovid19vaccine.com dito maaaring makita ang application form.
Ang mga pre registered ay bibigyan naman ng QR code para sa mas mabilis na proseso ng pagpapabakuna sa oras na simulan na ang vaccination activity.
Maliban sa mga medical frontliners at senior citizens ay kabilang rin ang pre registered sa magiging prayoridad ng Manila LGU sa pagbabakuna.
800 libong doses ng bakuna ang sigurado ng makukuha ng Manila LGU mula sa AstraZeneca. P
ero ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, hindi naman sabay sabay na darating ang mga bakuna na ito.
Kaya by batch ang kanilang magiging pagbabakuna.
Tiniyak rin ng alkalde na bibigyan nila ng laya ang mga residente kung nais magpabakuna o hindi at kung anong brand ng bakuna ang kanilang nais.
Madz Moratillo