Mahigit 7K trabaho sa turismo, iaalok sa unang DOT-DOLE Tourism Job Fair

Binuksan na ng Department of Tourism (DOT) ang pre-registration para sa unang Philippine Tourism Job Fair ng DOT at ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Ayon kay Tourism Secretary Christina Garcia Frasco, mahigit 7,000 trabaho sa tourism sector ang available sa Trabaho, Turismo, Asenso! Philippine Tourism Job Fair ng DOT at DOLE.

Sa Metro Manila, gaganapin ang job fair sa Pasay City mula September 22 hanggang 24.

Sa mga interesadong aplikante para sa Manila leg ng job fair, maaari silang magrehistro sa https://bit.ly/philtourismjobfair.

May hiwalay din na job fair sa Cebu City at Davao City na isasagawa naman sa September 22 hanggang 23.

Kabuuang 7,510 job vacancies mula sa 147 establishments sa iba’t ibang panig ng bansa ang naghihintay sa job seekers.

Ang mga bakanteng trabaho ay partikular na mula sa accommodation establishments, travel and tour services, Meetings, Incentives, Conventions and Exhibitions (MICE) facilities and organizers, tourist transport operators, health and wellness services, restaurant/food service at iba pang tourism-related establishments.

Mula sa nasabing bilang, 3,367 trabaho mula sa National Capital Region (NCR), CALABARZON, at MIMAROPA ang iaalok sa Manila leg, habang ang Cebu and Davao ay magbubukas ng 1,633 at 2,510 jobs mula sa Visayas at Mindanao.

Moira Encina

Please follow and like us: