Mahigit 80 katao, arestado sa simultaneous Police operation ng Caloocan City police
Mahigit 80 kalalakihan at mga kababaihan at mga pagala-galang mga menor de edad ang naaresto sa isinasagawang simultaneous police operation kagabi.
Sa pag-iikot ng mga pulis hanggang kaninang madaling-araw sa mga barangay sa North Caloocan, nahuli ang mga nag-iinuman sa labas ng bahay, at mga walang suot na pang-itaas na damit.
Naharang din sa checkpoint ang mga lasing na nagmamaneho ng motorsiklo at walang kaukulang papeles.
Nadakip din sa operasyon ang mga gumagamit ng shabu at mga magnanakaw.
Mahigit naman sa 20 motorsiklo ang nakumpiska sa mga nakatalagang checkpoint ng PNP na karamihan ay natuklasang walang mga kaukulang rehistro.
Ilang mga menor de edad rin ang nadakip dahil sa paglabag sa curfew hours.
Ayon kay Police Senior Supt. Jemar Modequillo, Caloocan City police chief, na sa kabila ng pinaigting na kampanya ay marami pa rin ang walang disiplina.
Sa kabuuan, aabot sa 86 katao ang naaresto at dinampot na pawang mga lumabag sa Caloocan City ordinance.
Bilang parusa, pinag-push-up ang lahat ng mga ndakip na mga nasa tamang edad na kalalakihan bago pinayagang makauwi.
Pinagmulta naman ang mga magulang ng mag menor de edad na nahuli ganundin kapag nahuli muli ang kanilang mga anak sa ikalawa hanggang sa mga susunod na pagkakataon.
Ulat ni Earlo Bringas
Please follow and like us: