Mahigit 800 manggagawa sa Laguna nabakunahan sa ilalim ng 1 million job project ng DOLE
Nagsagawa ng COVID- 19 vaccination ang Department of Labor and Employment sa mga construction at factory workers sa economic zone ng Sta. Rosa, Laguna.
Ayon sa DOLE, aabot sa mahigit 800 indibidwal ang nabakunahan sa nasabing aktibidad gamit ang COVID-19 vaccine ng AstraZeneca.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, napili nila ang mga nasabing industriya para sa vaccination dahil kabilang ito sa top contributors sa economic growth ng bansa.
Sa pamamagitan ng pagbabakuna sa kanila, makakatulong umano ito sa pagpapabilis ng pagbangon ng ekonomiya ng bansa.
Umapila naman si Bello sa mga manggagawa na magpabakuna na dahil ligtas naman ito at para mabilis na makabangon ang bansa.
Madz Moratillo