Mahigit 800 mga unlicensed firearms inilagak sa Police Regional Office 1
Inilagak na sa Police Regional Office 1 ang 813 mga hindi lisensyadong baril matapos itong isurender ng mga gunholders sa PNP.
Ayon kay Police Chief Superintendent Romulo Sapitula, Regional Director ng PRO1, ang mga nabawing armas ay resulta isinagawang malawakang oplan katok sa mga gunholders na nagpaso ang lisensya kung saan ay hinikayat ang nga ito na pansamantalang ilagak ang mga armas sa mga police station habang pinoproseso ang renewal ng lisensya ng mga nasabing armas at maiwasang magamit ito sa krimen.
Ang nasabing mga armas ay nagmula sa ibat ibang police units sa buong region 1.
Sa isinagawang turn over ceremony sa PRO1 ay dineposito ang mga nasabing armas sa Regional Civil Security Unit.
Ulat ni Nora Dominguez