Mahigit 800 PDLs sa Leyte Regional Prison naturukan na ng unang dose ng COVID vaccines
Nadagdagan pa ang mga persons deprived of liberty o PDLs sa Leyte Regional Prison ang nabakunahan na laban sa COVID-19.
Ayon sa Bureau of Corrections, kabuuang 149 PDLs at isang tauhan ng LRP ang tinurukan sa ikalawang batch ng COVID vaccination program sa kulungan.
Ang mga tinurukan na inmates ay kabilang sa medium at minimum security classifications.
Binigyang prayoridad sa pagbabakuna ang mga senior citizens at mga may comorbidities.
Ang mga bakuna na ginamit sa PDLs ay mula sa DOH Regional Office VIII.
Sa kabuuan ay 831 PDLs at 66 na personnel ng LRP ang nakatanggap ng unang dose ng anti- COVID vaccines habang may 2 tauhan ang nakakumpleto ng bakuna.
Nauna nang nabakunahan ang 682 inmates ng LRP.
Nilinaw ng BuCor na karamihan sa mga kawani ng kulungan ay nabakunahan na rin laban sa virus sa kani-kanilang LGUs.
Moira Encina