Mahigit 90 lugar sa Metro Manila, nasa ilalim ng granular lockdown
Umabot na sa 93 lugar sa Metro Manila ang inilagay sa granular lockdown dahil sa mataas na kaso ng COVID-19.
Ang datos ay mula sa Philippine National Police hanggang kahapon, September 18, 2021.
Batay sa PNP, 72 sa mga ito ay mula sa 22 barangay na sakop ng Northern Police District (NPD), 15 sa 11 barangay na sakop ng Eastern Police District (EPD), isa sa Southern Police District (SPD), at lima sa apat na barangay sa Quezon City Police District (QCPD).
Nauna nang inulat ng QC government na nasa ilalim ng Special Concern Lockdown Areas ang 48 na lugar sa lungsod dahil sa pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19.
Please follow and like us: