Mahigit 90 pagyanig, naitala sa Bulkang Taal sa nakalipas na 24 oras
Nakapagtala ng 91 tremor episodes o pagyanig sa Bulkang Taal sa nakalipas na 24 oras.
Dahil dito, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), nananatiling nasa Alert level 1 ang kalagayan ng bulkan.
Mahigpit ang paalala ng Phivolcs sa mga lokal na pamahalaan na ipagpatuloy ang pagmonitor at maging handa maaring mangyari lalu na sa mga Barangay na dati nang inilikas upang walang maging pinsala sakaling pumutok muli ang Bulkan.
Sa pinakahuling monitoring ng Phivolcs, tumagal ng isa hanggang 5 minuto ang pagyanig sa Bulkan at ang temperatura na naitala rito ay nasa 77.1 degree celsius.
Nagbabala rin ang Phivolcs ng sudden steam-driven o phreatic explosion, volcanic quakes, minor ashfall at lethal accumulation sa paligid ng Taal Volcano island.
Mahigpit rin ang paalaala ng Phivolcs sa pagbabawal sa pagaspok sa permanent danger zone ng Taal lalu na sa mga bisinidad ng main crater at Daang Kastila fissure.