Mahigit 93,000 customers ng Manila Water, mawawalan ng tubig sa pipelaying

Matutuloy na ang pipelaying at interconnection activities ng Manila water sa Southbound lane ng Edsa at Shaw Boulevard.

Base sa abiso ng Manila Water, magkakaroon ng pansamantalang Water interruption sa 33 barangay sa mga lungsod ng Mandaluyong, Pasig, Quezon at San Juan

Sa Mandaluyong, narito ang listahan ng mga apektadong barangay:

– Wack-wack

– Mauway

– Addition hills

– Highway hills

– Malamig

– Buwayang bato

– Barangka ilaya

– Barangka itaas

– Barangka ibaba

– Barangka drive

– Plainview

– Pleasant hills

– Hulo

 

Sa San Juan naman, apektado rin ang mga Barangay:

– Greenhills

– Addition hills

– Little Baguio

– Pasadena

– Corazon de jesus

– West Crame

 

Sa Pasig apektado ang Barangay:

– Ugong

– Oranbo

– Pineda

– Bagong ilog

– Kapitolyo

– San antonio

At sa Quezon City naman ay ang mga Barangay ng:

– Kaunlaran

– Bagong Lipunan

– Horseshoe

– Valencia

– Immaculate conception

– San Martin de Porres

– Ugong Norte

– Pinagkaisahan

Pinapayuhan ang mga residente ng mga maapektuhang lugar na mag-ipon ng sapat na tubig para sa kanilang mga pangangailangan.

Pansamantalang mawawala ang suplay ng tubig mula  mamayang 7:00 ng gabi  August 16, hanggang alas 9:00 ng umaga bukas,  August 17.

Bunga nito, aabot sa 93,237 na kabahayan at establismento ang maaapektuhan.

Bunga ng aktibidad, magkakarooon din ng pagbabago sa daloy ng sasakyan sa Service road bagamat ang mga motorista na patungo sa Shaw Boulevard ay maaaring kumanan sa Star mall.

Isasara din ang rightmost lane ng service road mula mamayang alas- 11:00 ng gabi hanggang alas-4:00 ng umaga bukas, August 17.

 

=============

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *