Mahigit 96% turnout ng examinees, naitala ng SC sa 2023 Bar Exams;
Kabuuang 10,387 bar examinees mula sa 10,791 applicants ang nakatapos sa tatlong araw na 2023 Bar Exams o katumbas ng 96.26% turnout.
Ipinagmalaki ng Korte Suprema na bukod sa digitalized at regionalized ang bar exams ay siniguro nila na naging accessible at inclusive ito para sa mga lawyer aspirant na may special needs.
Ayon sa Supreme Court, nag-isyu ito ng iba’t ibang issuances para payagan ang mga piling examinee na may special needs na kumuha ng pagsusulit sa pamamagitan ng tradisyunal na handwritten exam, may encoder’s assistance, o kaya ay gamit ang Digital Booklet Method.
Isa na rito ang isang visually impaired examinee na pinayagan na makakuha ng pagsusulit gamit ang Digital Booklet Method sa Ateneo De Davao University.
Sa nasabing paraan ay ang court-issued na laptop na may naka-install na Non-Visual
Desktop Access (NVDA) ang nagsilbi nitong examination booklet.
Ito ang unang pagkakataon na pinahintulutan ng SC ang paggamit ng NVDA sa bar exams.
May isa pang examinee sa San Beda College – Alabang ang kumuha ng pagsusulit na may assistance mula sa special encoder bunsod ng visual impairment dahil sa Opthalmic Meningitis nito.
Sinabi pa ng SC na may mga examinee ma senior citizen na may mga physical disability ang pinahintulutan na mag-bar exams sa pamamagitan ng tradisyunal na sulat- kamay sa San Beda College – Alabang; University of San Jose -Recoletos, Cebu City; at University of Nueva Caceres, Naga City.
Samantala, siniguro ni Hernando na bago ang December 25 ay mailalabas na ang resulta ng bar exams.
Moira Encina