Mahigit apat na milyong out of school youth , dapat bigyan rin ng ayuda ng gobyerno
Hinimok ni Senator Sonny Angara ang gobyerno na bigyan rin ng ayuda ang mahigit apat na milyong out of school youthsa buong bansa
Sinabi ni Senador Angara, na nakakalungkot na milyun-milyon pa rin ang hindi nabibigyan ng pagkakataong makapag-aral.
Iginiit ni Angara na mahalaga ang edukasyon dahil ito ang susi para sa magandang kinabukasan ng kanilang pamilya at mabawasan ang kahirapan.
Sa datos aniya ng Phil Statistic Authority, 87 percent sa mahigit 4 million ay may edad na 16 hanggang 24 o mula high school hanggang kolehiyo.
Isinusulong ni Angara ang pagpapatibay ng Senate Bill 1732 o Inclusive Education for Children and Youth na layong palawakin ang access sa free quality education.
Ulat ni Meanne Corvera