Mahigit isang libong pasahero stranded pa rin sa mga pantalan
Aabot sa 1,384 passengers, drivers, at cargo helpers ang stranded ngayon sa iba’t ibang pantalan sa Southern Tagalog at Bicol region dahil sa bagyong Karding.
Sa datos mula sa Philippine Coast Guard, may 39 rolling cargoes; 14 vessels; at 15 motorbancas din ang stranded parin sa pantalan sa mga nasabing lugar.
May 89 vessels at 36 motor banca naman ang naka shelter.
Ayon kay PCG spokesperson Commodore Armand Balilo, ang mga pantalan naman sa Bicol, Northern Samar at Batangas balik normal na ang byahe ng mga sasakyang pandagat kaya inaasahang mababawasan na ang mga stranded na pasahero.
Samantala, sa Lungsod ng Maynila ay umabot sa 653 pamilya o katumbas ng 2, 598 indibidwal ang inilikas sa mga evacuation center.
Pero ayon kay Atty. Princess Abante tagapagsalita ni Manila Mayor Honey Lacuna, kapag nagtuloy tuloy ang pagganda ng panahon, pUwede na ring pauwiin ang mga inilikas na residente.
Madelyn Villar – Moratillo