Mahigit isang milyong Pilipino, tumigil na sa paninigarilyo dahil sa graphic health warnings at taxes ayon sa DOH
Batay sa report ng Philippine’s Global Adult Tobacco Survey o GATS, mahigit isang milyong Pilipino ang tumigil na sa paninigarilyo.
Mula sa 17 milyon noong 2009, ito ay bumaba sa 15.9 milyon noong 2015.
Sinabi ni Health Secretary Paulyn Ubial na kabilang sa dahilan ng pagbaba ng mga naninigarilyo ay graphic health warnings, sintax, ordinansa at adbokasiya ng mga health sector sa pakikipag-partner sa civil society.
Ito aniya ang pinakamalaking pagbaba na kanilang nakita sa kasaysayan ng bansa ng mga Pilipinong naninigarilyo.
Ayon pa kay Ubial, bumaba din ang bilang ng mga na-exposed sa second hand smoke sa public transport, government offices at maging sa work place.
Ngunit mataas pa rin ang exposure ng paninigarilyo sa mga bar, night club at restaurant, na ito naman ay pinaniniwalaan nilang agarang malulunasan kapag nalagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte and Executive Order on Nationwide Smoking Ban.
Ulat ni: Anabelle Surara