Mahigit kalahati ng mga tauhan ng DOJ prosecution offices sa Cebu, nabakunahan na laban sa COVID-19
Naturukan na ng unang dose at second dose ng anti- COVID-19 vaccines ang lagpas sa kalahati ng mga tauhan ng prosecution offices ng DOJ sa Cebu.
Sa datos ng DOJ main, kabuuang 212 kawani ng regional prosecution office, provincial prosecution office at city proaecution office sa Cebu ang nabakunahan na laban sa COVID.
Katumbas ito ng 52% ng mga tauhan ng mga nasabing piskalya sa probinsya.
Mula sa nasabing bilang ay 119 o 29% ang fully-vaccinated na laban sa virus habang ang 93 o 23% ay nakatanggap na ng unang dose ng bakuna.
Wala na ring naiulat na aktibong kaso ng COVID sa mga prosecution offices at gumaling na ang lahat ng 56 kumpirmadong kaso ngayong taon.
Noong 2020 ay 13 ang naitalang positibong kaso sa mga piskalya sa Cebu.
Moira Encina