Mahigit labindalawang libong South Korean, nagkansela ng biyahe sa Pilipinas ayon sa DOT
Mahigit labindalawang libong South Korean ang nagkansela ng kanilang pagbiyahe sa Pilipinas ayon sa Department of Tourism.
Ito ay bunsod ng nagpapatuloy na kaguluhan sa Marawi City at ang pagdedeklara ng Martial Law sa Mindanao.
Ayon kay Tourism Usec. Ricky Alegre na ang nasabing mga kanselasyon ng pagbisita ay sa bahagi lamang ng Mindanao.
Hindi rin aniya ganoon kalaki ang epekto ng sitwasyon sa Mindanao sa Tourist arrivals sa Luzon at Visayas.
Ipinaliwanag din ni Alegre na sa kabila ng mga kanselasyon, mayroon naman bagong bookings sa iba pang destinasyon sa bansa.
Sinabi din ni Alegre na kumpiyansa sila na maaabot pa rin ang 7 million tourists na target ng ahensya ngayong taon.