Mahigit na 40,000 residente ng Quezon City, tumanggap ng 2,000 piso
Umaabot sa mahigit na 40,000 residente ng Quezon City ang nabigyan ng 2,000 piso bawat isa.
Ito ay sa ilalim ng programang Kalingang QC.
Ito ay naglalayong matulungan ang sektor ng lipunan na ang pamumuhay ay lubhang naapektuhan ng Enhanced Community Quarantine.
Kabilang sa natulungan ay mga pedicabs, tricycle, jeep, auv, taxi, at tnvs drivers.
Bukod sa kanila, kasama din na ang mga solo parents, vendors at Persons with disability.
Ulat ni Belle Surara
Please follow and like us: