Mahigit na apat na milyong adults sa buong mundo may Diabete, isang Diabetic namamatay sa bawat anim na segundo ayon sa eksperto

Pinangunahan ng  Friendly Alliances  and Media Expressions Incorporated  ang  aktibidad na tinawag nilang “sweet escape : hataw  galaw sa kalusugan   2017, isang taunang  okasyon  na  naglalayong maitaas ang  awareness o kamulatan tungkol sa  panganib,  paghadlang  at paggamot  ng Diabetes mellitus.

Ayon kay Dra. Joy  Arabelle Fontanilla,  head, center  for weight  intervention  and nutrition services   ng  St. Lukes’ Medical Center –Global City,  ang diabetese ay isang nakamamatay  na sakit  na dapat pagtuunan ng pansin upang  mahadlangan ang patuloy na pagtaas ng bilang ng mga taong dinadapuan nito.

Sinabi ni Fontanilla na sa bawat anim na segundo, may isang tao na may diabetes ang namamatay  dahil sa nabanggit na sakit.

Kaya marapat lamang na kumain ng tama, magkaroon ng oras sa pag eehersisyo at gawin ang healthy lifestyle upang  mahadlangan ang diabetes at mga kumplikasyon  nito.

Sa datos naman ng  International Diabetes  Federation tinatayang  may  mahigit na apat na milyong  adults  sa buong mundo ang may diabetes  at mahigit naman sa limang daang libong kabataan ang nabubuhay na may type 1 diabetes.

Binigyang diin naman ni Dr. Augusto Litonjua , presidente  ng Philippine Center for Diabetes Education Foundation Incorporated hindi ang cholesterol ang nagiging sanhi ng  pagtaas ng triglyceride, ng blood pressure  at diabetes  kundi  sa mga kinakaing prutas at processed foods na sagana sa asukal na kung tawagin ay fructose.

Sinabi naman ni Dr. Pepito dela Peña,  Presidente ng  Philippine Society  of Endocrinology, diabetes  and metabolism na kung dinapuan na ng  diabetes, dapat pa ring maglaan ng oras sa pag -eehersisyo upang maging physycally fit pa rin.

Ulat ni: Anabelle Surara

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *