Mahigit sa 10 libong Haitians lumikas dahil sa gang attacks sa nakalipas na linggo – UN
Mahigit sa sampung libong katao sa Haiti ang lumikas nitong nakalipas na linggo dahil sa pinaigting ng armed gangs na nag-o-operate sa loob at paligid ng Port-au-Prince, kapitolyo ng Haiti, ang kanilang mga pag-atake sa mga lugar na hindi pa nila kontrolado.
Ang bilang ay batay sa pagtaya ng United Nations (UN) migration agency.
A woman and three children flee their home from gang violence, in Port-au-Prince, Haiti October 20, 2024. REUTERS/Ralph Tedy Erol/File Photo
Sa pagsisimula pa lamang ng Setyembre ay sinabi na ng ahensiya, na mahigit sa pitongdaang libong katao na ang internally displaced sa magkabilang panig ng Haiti, halos doble ng bilang sa naunang anim na buwan.
Nitong nakalipas na linggo, pinaigting ng mga gang ang kanilang mga pag-atake sa ilang mga bayan sa labas ng kapitolyo, na ang malaking bahagi ay kontrolado ng armadong mga grupong nagkakaisa sa ilalim ng isang “common alliance” na kilala sa tawag na Viv Ansanm.
Ang mga labanan ay nagdulot na ng kagutuman sa ilang bahagi ng populasyon, matapos kubkubin ng mga gang ang mga sakahan at harangan ang transport routes, habang ang mga taong napilitang lisanin ang kanilang mga tahanan upang magtayo na lamang ng makeshift camps, ay hindi na maaring umasa pa na magkaroon ng steady income upang ipambili ng pagkain.
People flee their homes from gang violence, in Port-au-Prince, Haiti October 20, 2024. REUTERS/Ralph Tedy Erol
Bagama’t inawtorisahan ng United Nations ang isang international force upang tulungan ang Haiti police na mabawi ang kontrol mula sa mga gang, lubhang kulang ito sa resource at maliit ang naging resulta ng kanilang mga misyon.
Hiniling ng liderato ng Haiti na ang nabanggit na international force ay gawin nang isang pormal na peacekeeping mission upang maragdagan ang resources, isang inisyatiba na noong nakaraang buwan ay hinarang ng China at Russia.
Ang mga foreign vehicle ay sinimulan na ring targetin ng mga gang, na ang dating tinatarget lamang ay ang national police, civilian self-defense groups at mga imprastraktura ng estado.
People flee their homes from gang violence, in Port-au-Prince, Haiti October 20, 2024. REUTERS/Ralph Tedy Erol
Ayon sa U.S. Embassy sa Haiti, noong Lunes ay dalawa sa kanilang armored vehicles ang tinarget at pinagbabaril ng gang.
Isa ang nagtamo ng maraming tama, bagama’t wala namang nasaktan o nasugatan.
Isang U.N. helicopter na may sakay na 18 katao ang pinagbabaril din at nagtamo ng maraming tama nitong Huwebes,, subalit wala namang nasaktan. Hindi naman agad tumugon ang Haiti office ng U.N. sa kahilingan para sa dagdag pang mga impormasyon.