Mahigit sa 200 pamilya, nananatili pa rin sa mga evacuation center sa Barangay Parian, Calamba City, matapos manalasa ang Bagyong Ulysses sa laguna
Umabot sa mahigit 200 pamilya ang nailikas ng mga tauhan mula sa local disaster risk reduction management council o LDRRMC na mga naapektuhan ng pananalasa ng Bagyong Ulysses sa Brgy. Parian, Calamba City Laguna.
Tatlong evacuation center ang inihanda ng city govt. of calamba para sa mga pamilyang apektado ng kalamidad.
Bukod sa mga tents na nagsilbing tuluyan ng mga evacuees, ay nag provide din ang mga bgry. official at lungsod ng mga ready to eat na mga pagkain para sa evacuees.
Sa kabuuan, umabot sa 256 families o kabuuang 809 individuals ang nanatili sa tatlong evacuation center sa brgy. parian kung saan, 110 families o 317 individuals sa mga ito ang nasa farconville covered court, 45 families o 117 individuals, naman sa parian elem. school at sa P7 bulwagan naman ay 100 families o 375 individuals.
Dahil naman sa pagbuti at pagganda ng panahon dito sa laguna province ay posibleng magsibalikan na sa kani-kanilang tahanan ang mga evacuees mamayang hapon.
Suspendido naman ngayong araw ang pasok sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan sa buong laguna, gayundin ang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno sa laguna province dahil sa pinsalang iniwan ng bagyong ulysses.
Jet Hilario